Timbrel and Harp

Timbrel and Harp
Music that Heals...

Tayo'y kay Kristo




I
Si Kristo ang nagbigay kahulugan sa buhay ko.
Ipinakita Niya'ng tunay kong katayuan
Iminulat Niya sa akin ang aking patutunguhan
Ang ganap kong makapiling ang Diyos Ama

Refrain
Tayo'y kay Kristo
Mabuhay man o mamatay
'Pagkat niyakap Niya ang sangkatauhan
Kamataya'y nagiging buhay
Kung sa Kanya tayo nakasalalay
Christi sumus, Tayo'y kay Kristo

II
Tinawag Niya tayo at pinili mula sa karamihan
Upang pag-isahin ang kawan Niya'ng nawalay
Nang mamuhay ng sama-sama at nagkakaisa
Sa pag-ibig at kapayapaan kasama Niya
(repeat refrain)

Bridge
Sadyang kapos ang ating pagkatao
Upang tupdin ang tawag ng ating Lingkod
Ngunit walang pangamba 'pagkat kapiling Siya
Siya ang buhay ng ating buhay
(repeat refrain)

Kamataya'y magiging buhay
Kung sa Kanya tayo nakasalalay
Christi sumus, Tayo'y kay Kristo

No comments

Powered by Blogger.