Dahil Nagmamahal



DAHIL NAGMAMAHAL
composed by Fr. GBoi Samonte (Diocese of Malolos)
performed by Fr. Danny Bermudo (Diocese of Malolos)

Dahil ikaw, Ama, ang unang nagmahal,
Kaya dagli akong sa 'Yo'y tumalima.
Paano ko tatanggihan ang pag-ibig Mong laan
Kung dalisay ang Iyong hangad sa akin noon pa man?

Ngunit kay rupok ng puso kong ito.
Sadya kitang nalimot, sa sala'y nalugmok.
Gayunpaman, katulad ko'y inibig Mo pa rin.
Ninais Mong maibalik ako sa 'Yong piling.

Kahit tanging Anak, Iyong ibinigay.
Sa aking kaligtasan, buhay N'ya'y inalay.

Dahil ikaw, Ama, ay nagmamahal.

No comments

Post a Comment

Professional Blog Designs by pipdig