Awit ng Paghahangad
a Filipino liturgy song based on PSALM 63
Performed by the Philippine Madrigal Singers
O Diyos Ikaw ang laging hanap,
Loob koy Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng Yong pag-aaruga.
Ikay pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.
Koro:
Gunita koy Ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwinay taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
(umaawit akong buong galak/umaawit,
umaawit, umaawit akong buong galak.)
Aking kaluluway kumakapit sa Yo,
Kaligtasay tyak kong hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari ang Diyos Syang dahilan.
No comments:
Post a Comment