Pages

Thursday, February 16, 2012

Kailan Lamang


written and arranged by John Clifford Infante
performed by inggo 1587


I
Kailan lamang ako'y musmos pa
Tayo'y magkaulayaw at laging magkasama
Sa bisig mo'y kalong ako sa tuwina
Saglit mang mawalay hanap-hanap ka

II
Idinuyan sa piling ng 'yong saya
Sa tamis ng 'yong tinig wala nang hiling pa
Dalangin ko'y tuwa't ligaya
Idulot sa atin sa tuwina

III
Inakalang buhay ko'y payak
Napakarami nang aking pinangarap
Di alintanang buhay ko'y hawak
ng ating Amang lumikha (Amang Makapangyarihan)

Refrain
Salamat sa 'yo, O aking kaibigan
Ikaw ay nar'yan upang ako'y alalayan
Nang dahil sayo'y nabatid kong hiram lamang
Ang aking buhay at aking kapalaran

Salamat sa 'yo, O aking kaibigan
alam kong nar'yan ang palad mo
Kailanman ako'y hindi iiwan
sa ating paglayag

Bridge
Bakit lumipas ang mga panahon?
Kasabay ng pag-agos ng ating kabataan
Bakit di natin minsan pang balikan
ang ating kailan lamang?

IV
At sa muli nating pagbabalik
Panibagong alaala'y ating babaunin
Alaalang panghabambuhay
na ating dadalhin

V
Minsan pa'y ating balikan
Mga panahong kailan man ay atin
Alaala ng kahapong ating bukas

(Repeat Refrain and Bridge)

Kailan lamang ako'y musmos pa




No comments:

Post a Comment