Pages

Monday, July 3, 2017

Liwanagan Mo, Hesus




I

Masdan natin ang ating daigdig:
Ginawang tahanan ng D'yos nating mahal.
Ngunit sa pagdaan ng maraming panahon,
Nabalungan ng kadiliman at nauhaw sa pagmamahal.


II

Damhin natin ang kalooban:
Ginawang himlayan ng Diyos nating mahal.
Ngunit sa pagsapit ng sigwa at tag-init sa ating buhay,
Nawalan ng malay at nanlamig sa pag-ibig.


Refrain

Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong bayan, sa 'Yo'y naghahanap.
Ang matalinhagang ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng karimlan.

Liwanagan Mo, Hesus, ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong mukha at kami'y maliligtas.
Kapayapaan at dangal isinag Mo,
At maninibago ang wangis ng Iyong mundo


III

Ang tawag ni Hesus, pakinggan.
Isabuhay natin mithi ng Kaharian.
Magpawi ng gutom, sa uhaw magpainom,
Sa nasugatan ay magpahilom, sa maysala, magpatawad.


Bridge

Kaharian ng Maykapal sumasaatin na
Sa pamamagitan ni Hesus!

Monday, June 26, 2017

Kuya Pedro


Kuya Pedro
Written and Sung by Jamie Rivera
Music composed and Arranged by Noel Espenida

I
Ang pagtulong  sa kapwa’y pagmamahal sa Diyos
Ang taong tapat sa Diyos  umiibig ng taos
Pananampalataya sa ama’y  binubunyi
Ganyan ang Kuya Pedro ko , alagad na totoo.

II
Di ka niya iiwan sa panahon ng pighati
Huwaran ng kabataan, larawan ng katapangan
Kaibigang tunay na nag-alay nang buhay
'Yan nga ang Kuya Pedro ko, kaibigang totoo.

Refrain:
Pinagpala ka Kuya Pedro, na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos, ng pagibig N'yang lubos
Kuya Pedro kami’y turuan mo.

III
May Pag-ibig sa kapwa san man mapunta
Tumutulong sa tao di man niya  ito kilala
At kapayapaan ang siyang minimithi
Siya nga ang Kuya Pedro ko, kapatid na totoo.

[Repeat Refrain 2x]

Bridge
Kuya Pedro, kami’y turuan mo.
Kuya Pedro, kami’y tulungan mo.